✖ Meoki ✖ Ran ✖
x o x o
Talk!



Links
FS | MS | ST

View some of my posts from
the past. Pick one. Enjoy reading. =D


Friday, May 2, 2008 5:59 AM

NAKAKALOKA

Mommy: Anak kamukha mo na si Mong.
Me: Sino yun?
Mommy: Yung gitarista ng Sandwich.
Me: Ha?
Mommy: Sandwich! Yung banda! Di mo alam yun?
Me: Hmm..
Mommy: Tse. Ambaduy mo talaga.
Me: *kamot ulo*.. ah, alam ko yun.
Mommy: Weh. Hinde, baduy ka.

-----------

Grade 5 kami ng bestfriend ko nun, nag-paalam
kami kay mommy na magsi-swimming kami..

Me: Ma, magsi-swimming kami ha.
Mommy: Ha? Sino kasama mo?
Me: Si Alain lang ma, dito lang naman yung pool
sa subdivision nila eh. Anlake-lake ko na noh, di
na ako malulunod.
Mommy: Sige. Ingat ha, baka mabasa kayo.

-----------

Kakarating lang ni mama galing Baclaran..

Mommy: Nak oh, may nabili akong damit sa
Baclaran, ang gaganda. Grabe, ang daming
magagandang damit dun.
Me: Oh?
Mommy: Eto oh, tignan mo nga, sukat mo.
Me: *sinukat yung damit*
Mommy: Sus, ikaw nanaman makaka-buena
mano niyan! Hmph!
Me: *kamot ulo* (eh pinasukat mo eh)

-----------

Nagfe-Friendster ako.. tapos ayun dumating si mama..

Mommy: Oh, sino yang mga yan?
(tinutukoy niya yung mga taong nag-add saken)
Me: Di ko kilala eh, in-add lang ako.
Mommy: Tignan mo nga to.. *sabay turo sa isang
lalakeng naka-add sakin sa Friendster*
Me: Oh, ayan.
Mommy: Eh, panget naman eh.
Me: Hehehe..
Mommy: Eto nga, tignan mo.. ayan, patingin nga..
ay hindi, eto! Tignan mo kung may bagong picture..
eto naman, tignan mo kung sino giep ng kuya mo..
Me: Sus ginoo! Ikaw na nga mag-Friendster!

Tapos uupo yan dun sa tapat ng computer, at
tototohanin yung sinabi ko. Magfe-Friendster talaga.
Sus ginoo, tapos matatagalan pa bago ako makagamit
ulit ng computer. Susko.

-----------

Nakadapa ako sa sahig that time habang nagbabasa ng
libro ng sakto nalang eh biglang nadaan si mommy..

Mommy: *sinundot ako sa pwet gamit paa* ONE POINT!
Me: *nanlake mata* MA! ANO BAH!

Nako ang kulit talaga ng nanay ko.

-----------

Me: Ano ba yan ma, naiinip ako. Libangin mo nga ako.
Mommy: *biglang nag-bellydance*
Me: Ma! Itigil mo nga yan! Pwe.
Mommy: Akala ko ba sabi mo libangin kita? Eto na oh,
nililibang na kita. *biglang nag-bellydance ulet*

-----------

Dati pa to..

Mommy: Nak, bawal ka pang mag-boypren sabi daw
ng tatay mo.
Me: Sus ginoo.

The day after, we went to the mall..

Mommy: May pogi oh, pakilala ka tapos boyprenin mo.
Me: SUS GINOO.

-----------

ITO ang pinaka-nakakaloka.

Kasi my mom bought some ichky nose pack para maalis yung
blackheads sa ilong niya. Eh ayun, after she peeled it off..

Mommy: Nak, tignan mo ang galing, nawala na yung
butas ng ilong ko!
Me: *nagbabasa ng libro* Ano kamo?!
Mommy: Yung butas ng ilong ko nawala na.
Me: ANO?! Natanggal din yung butas ng ilong mo?
Mommy: Ay tange, yung blackheads pala.

|